Kasaysayan ng Assyria
Isang rehiyon sa hilaga ng Mesopotamia ang Assyria. Pero paano nga ba namuhay ang mga Assyrian? Halina't tuklasin ang kanilang kasaysayan.
Bakit nga ba itinatag ang Assyria? Itinatag ang Assyria dahil sa isang dakilang imperyo
sa daigdig. Kontrolado nila ang Mesopotamia, Syria, Pheonicia, kaharian ng Israel at ilang bahagi ng Ehipto.
Ilan sa mga naimbento ng mga Assyrian ay tulad ng itak, helmet at sibat na ginagamit nila sa pakikidigma.
Anong uri nga ba ng mga tao ang mga Assyrian? Isang malulupit at masyadong brutal ang mga Assyrian kaya't mahihilig sila sa pakikidigma upang masakop ang ibang imperyo sa kabihasnang Mesopotamia. Ngunit dahil sa kanilang kabagsikan ay kinamuhian sila ng ilang imperyo kaya ng salakayin sila ng mga Chaldean ay mabilis silang nasakop.
Ang buhay natin sa kasalukuyang panahon ay sadyang napakasuwerte sapagkat hindi natin naranasan ang mga kalupitan, kahirapan at ang mga mababangis na Assyrian na sumakop sa iba't-ibang imperyo.